Jerome Capina

Eto na yung last song for midnight. Muli kong ipinikit ang mata ko, aasang meron nang mag aaya saakin sumayaw sa gitna. Nag simula na yung intro ng kanta, TERRIFIED by Katharine Mcphee mas lalo akong kinabahan kasi sakto yung intro ng kanta sa pagtayo ng mga lalaki papunta sa mga partners nila. Tuliro nanaman tong mga mata ko, may mga papalapit kasi sakin tapos biglang liliko para kunin yung mga babaeng napili nila. Ako nalang yung natira. Nakatingin ako sa kaibigan ng kapatid ko, papunta sya sa direksyon ko kaya lumihis ako ng tingin, bigla kasing nanlamig yung pakiramdam ko “sayaw tayo?” Tanong nya. “Yun lang pala e” pag lingon ko nakuha na nya yung babaeng isasayaw nya. Sabi na nga ba hindi na dapat ako pumunta dito e. parties and balls are just for couples, hindi ‘to para sakin na anti social person. Ngumiti ako at pinanuod ko yung mga partners na mag sayaw, Hayst I wish I could be them. Dalawang songs ang nag play and the last one is Huling Sayaw, Idk kung sinong kumanta .. Nothing happened so sparky. Malayong malayo sa dream grad ball ko. Na isasayaw nila ako like a princess, instead ang nangyari ay natulog lang ako all night sa graduation ball namin.

Hayst akala ko talaga isasayaw nya ako kasi sakin sya nakatingin… wala, akala ko magkakajowa na ako after pero wala parin pala. Gabi na at sobrang hindi ako napuyat sa party kahapon kaya eto gising parin ako, scrolling my NF watching their stories ’bout what happened last night. Buti pa sila may pictures, haha. Natawa nalang ako kasi nakalimutan ko nga pala mag take ng pictures that time when someone message me.

h: “Congratulations pala”
m: “thanks sayo din ”

Di talaga kami close nito pero school mate ko to e

h: “sasayaw sana kita kagabi pero nahiya ako e”
m: “lol ganun? Yaan mo na”
h: “umm pwede ba ako makipagchat sayo? Di ba ako nakakaabala?”
m: “okay lang di naman ”

His way of speaking alam ko na yung punto nya sakin, He want to ask me if he can court me. Hindi naman ako nagkamali ng hinala pero mali kasi, kaibigan ko yung nagbusted sa kanya so I ended up saying NO.

Hindi ko alam kung tama ba na hindi ko pagbigyan ang sarili ko na maranasan yung feeling of having a guy. Mantalang kahapon lang nag pepray ako na sana meron na after.

After he asked me the golden question and rejected him wala na. Boring na uli ang buhay ko ….

And thats my cycle palagi naman e.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s